Manila LGU, nakapamahagi ng 450k Christmas food gifts sa mga barangay

Manila LGU, nakapamahagi ng 450k Christmas food gifts sa mga barangay

INIHAYAG ng Manila LGU na nasa 450k na ng mga Christmas food gifts ang naipamahagi na sa 580 na barangay sa lungsod ng Maynila.

Ito ay matapos simulan ng lokal na pamahalaan noong Disyembre 1 ang distribusyon ng mga ito.

Ang Chrismas food gifts ng Manila LGU ay naglalaman ng bigas at mga sangkap pang-Noche Buena.

Target ng Manila LGU na nasa 695,000 na pamilya ang makatatanggap ng regalo bago magPasko.

Samantala, nasa 160,000 na gift boxes ang balak namang maipamahagi para sa mga senior citizen sa lungsod.

Ito ay naglalaman ng thumbler o thermos, coffee mix at cookies.

 

Follow SMNI News on Twitter