NAGBIGAY si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Mel Robles ng P9 milyong halaga ng Lotto shares sa Manila Local Government Unit (LGU).
Ayon sa PSCO, ang halaga ay kumakatawan sa isang bahagi ng kabuuang kita ng lungsod mula sa Lotto at Small Town Lottery (STL) na mga laro.
Binanggit din ng PCSO na ang mga LGU ay makakatanggap ng mas malaking Lotto at STL shares habang dumarami ang mga Lotto outlet sa kani-kanilang lugar.
Samantala ang inisyatiba na ito ay bilang pagsunod sa mandato ng PCSO na maglaan ng 30 porsiyento ng kita nito sa mga charity services.