PATULOY na nakakapagkumpiska ng mga flammable material, pabango, at sigarilyo ang mga awtoridad mula sa mga dumadalaw sa Manila North Cemetery (MNC).
Ang mga ito ay bawal sa loob ng sementeryo para sa kaligtasan ng mga dadalaw.
As of 10 am, mayroong confiscated na 416 flammable material, 307 sigarilyo, at 278 pabango.
Paalala ng mga awtoridad, bawal din ang vape sa loob ng sementeryo.