Manila Police District, namahagi ng 230 food kits sa Tondo, Maynila

Manila Police District, namahagi ng 230 food kits sa Tondo, Maynila

NAMAHAGI ng 230 food kits ang Manila Police District sa Tondo, Maynila.

Ito’y pinangunahan ni Gen. Andre Dizon sa Katuparan Village, Brgy. 101, Tondo Maynila.

Ito’y bilang pagdiriwang ng kanilang 28th Police Relations Community (PRC) Month Celebration na may temang “Serbisyong Nagkakaisa para sa Ligtas at Maunlad na Pamayanan”.

Ang ipinamahaging food kits ay naglalaman ng instant noodles, bigas, canned goods, kape, at tsinelas.

Nagsagawa naman ang Manila City Library ng puppet show para aliwin ang mga bata at raffle draw na ikinatuwa ng mga residente na nanalo ng appliances at mga gamit pang-kusina.

Ang pagdiriwang ng PRC month ay para kilalanin ang community engagement at partisipasyon ng Philippine National Police (PNP) para maiwasan ang krimen at kaligtasan ng publiko.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble