Manila RTC Judge Marlo Malagar, binatikos ni Sen. Francis Tolentino

Manila RTC Judge Marlo Malagar, binatikos ni Sen. Francis Tolentino

HINDI kumbinsido si Senate Committee on Justice and Human Rights Chairman Senator Francis Tolentino kaugnay sa ginawang pagbasura ni Manila Regional Trial Court Judge Marlo Malagar mula sa petisyon ng pamahalaan na ideklarang terorista ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) sa bansa.

Ayon sa senador, tila may problema ang desisyon ng korte gayong maging ang United Nations ay opisyal nang idineklara ang CPP-NPA-NDF bilang mga terorista.

Nakatikim din ng pangangaral ang Manila RTC mula kay Sen. Tolentino habang ipinapaliwanag nito ang maling basehan ng nasabing huwes.

Mungkahi pa ng senador, mainam na pag-aralan muli ang petisyon ng pamahalaan laban sa CPP-NPA-NDF sa  kabilang desisyong ginawa ng korte.

Matatandaang sa 135-pahinang petisyon na nilagdaan ni Manila Regional Trial Court Branch 19 presiding Judge Marlo A. Magdoza-Malagar, sinabing ang programa ng CPP-NPA ay hindi itinatag para sa terorismo habang ang nagpapatuloy na armed struggle ay isa lamang aniya paraan para makamit ang mismong tungkulin ng CPP at hindi ang dahilan kung bakit itinatag ang makakaliwang kilusan.

Ibig sabihin, bagama’t mayroong nangyayaring karahasan para makamit ang mga hangarin ng mga rebeldeng grupo – hindi naman ito ang itinuturing na dahilan sa pagbuo ng organisasyon.

Buwan ng Pebrero taong 2018 nang ihain ng Department of Justice ang petisyon na ito para ipa-deklarang mga terorista ang nasa 500 mga miyembro nito.

Follow SMNI NEWS in Twitter