Manila Water, pinaghahandaan na ang posibleng epekto ng tag-init

Manila Water, pinaghahandaan na ang posibleng epekto ng tag-init

PINAGHAHANDAAN na ng Manila Water ang posibleng epekto ng tag-init at ng El Niño sa bansa.

Ayon sa pamunuan nito, pinadadali nito ang pagtatayo ng 2 water supply system upang makapagsuplay ng karagdagang 130 milyong litro kada araw sa kanilang mga konsyumer.

Kabilang dito ang Manila Water, Calawis Water Supply na makapagsusuplay ng 80 million liters per day habang 50 million liters bawat araw sa East Bay Water Supply.

Maliban sa nabanggit, sinabi ng Manila Water na inihahanda rin nila ang reliability lines ng Novaliches-Balara Aqueduct 4 at ang Angat Water Transmission Improvement Project (AWTIP) Tunnel 5.

Ayon kay Manila Water President and Chief Executive Officer J.V. Emmanuel A. de Dios, ang mga proyekto ng Manila Water ay upang maayos ang kanilang tuluy-tuloy na serbisyo na makapagsuplay ng tubig.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter