NANANATILING positibo ang karamihan sa mga Pilipino na uunlad ang kanilang pamumuhay sa susunod na anim na buwan.
Batay sa survey na isinagawa ng OCTA Research, nasa 55% ng respondents ang naniniwala na uunlad ang buhay nila habang 36% lang ang nagsasabi na posibleng mananatili lang ang kanilang kasalukuyang estado ng buhay.
Nasa 4% lang ang naniniwala na lalala ang kanilang pamumuhay.
Samantala, nasa 46% sa mga respondents ang naniniwalang uunlad ang ekonomiya ng bansa sa susunod na anim na buwan.
43% ang naniniwala na mananatili ang kasalukuyang estado ng ekonomiya ng Pilipinas habang 6% ang naniniwala na lalala ito.
Isinagawa ang survey noong Hulyo 22 hanggang 26, 2023 na may 1,200 respondents.