Maria Ressa, pinayagan ng Korte Suprema na mangibang bansa hanggang 25 araw lang

Maria Ressa, pinayagan ng Korte Suprema na mangibang bansa hanggang 25 araw lang

PINAGBIGYAN ng Korte Suprema ang motion for permission to travel abroad ng CEO ng Rappler na si Maria Ressa para makabiyahe sa iba’t ibang bansa simula Hunyo 4 – 29, 2023 para dumalo sa mga speaking engagements.

Gayunman ay nakasaad sa Korte Suprema 1st division na pinagbabawalan si Ressa na tumalakay o magsalita sa publiko kaugnay sa nakabinbin niyang kaso para hindi malabag ang tinatawag na sub judice rule.

Kaugnay rito, inatasan din si Ressa na maglagak ng cash bond na P100-K at bukod dito ay obligado siyang magsumite ng liham sa limang araw makaraan niyang nakabalik sa Pilipinas.

Kabilang sa mga bansang pupuntahan ni Ressa ay Italy, Singapore, USA, at Taiwan.

Samantala ito na ang ikalawang pagkakataon na pinayagan ng korte na mangibang bansa at ang una ay noong nagtungo siya nitong Marso sa Canada, France, South Korea, at USA.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter