IKINOKONSIDERA ng Indonesia na mailipat sa isang kulungan sa Pilipinas si Mary Jane Veloso, ang isang Pinoy na nahaharap sa death penalty doon.
Ayon ito sa Indonesia Coordinating Ministry for Legal, Human Rights, Immigration at Correction kasunod ng pakikipagkita ni Philippine Ambassador to Jakarta na si Gina Alagon Jamoralin sa kanilang minister.
Kung magtatagumpay ang pagpapalipat kay Veloso mula Indonesia, nilinaw ng Jakarta na dapat ipatupad pa rin ng Pilipinas ang kanilang court decision at sundin ang sentensiya na kanilang ibibigay.
Taong 2010 nang maaresto si Veloso matapos nakitaan ng ilang mga pakete ng heroin.
Simula noon ay naharap na ang Pinoy sa parusang kamatayan.