Mas maraming Lung Care Centers, itatayo bago matapos ang 2028

Mas maraming Lung Care Centers, itatayo bago matapos ang 2028

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang pagtatayo ng mas maraming Lung Care Facility sa buong bansa.

Tugon ito ng Pangulo sa pagdalaw niya sa anibersaryo ng Lung Center of the Philippines at sa paglulunsad ng Lung Transplant Program.

Saad ni Pangulong Marcos, target ng kaniyang administrasyon na makapagtayo ng 179 na mga bagong specialty hospitals sa buong bansa- 9 dito ay Lung Care Facility.

Idiniin din nito na ipagpapatuloy niya ang pangangalaga sa kalusugan ng mga Pilipino, bagay na naunang sinimulan ng kaniyang ama na si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos, Sr. sa pamamagitan ng pagtatayo ng specialty hospitals gaya ng Lung Center, National Kidney Institute, at Heart Center.

Sa ngayon, mayroon nang 131 na ‘functioning’ specialty centers sa buong bansa- 7 ay nakalaan para sa Lung Care.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter