Mass treatment vs. snail fever o schistosomiasis, isinagawa sa Northern Samar Provincial Jail

Mass treatment vs. snail fever o schistosomiasis, isinagawa sa Northern Samar Provincial Jail

UPANG matiyak na ligtas ang mga persons deprived of liberty (PDLs) sa Northern Samar Provincial Jail laban sa snail fever, nagsagawa ng mass treatment ang Municipal Health Office ng Bobon, Northern Samar katuwang ang provincial government.

Layunin ng programang ito na mapuksa ang sakit sa hanay ng mga PDLs na mas lantad sa panganib dahil sa limitadong malinis na tubig at maayos na sanitasyon.

Mahalaga umano ang agarang hakbang sa kalusugan upang maiwasan ang pagkalat ng sakit sa loob ng correctional facilities.

Bilang bahagi ng kampanya sa kalusugan, sumailalim ang mga PDLs sa medical screening, kabilang ang pagsusuri ng blood pressure, pagsukat ng taas at timbang, paggamit ng gamot laban sa snail fever.

Hindi lamang ang mga na-diagnose ang binigyan ng lunas, kundi lahat ng mga pdl ay nakatanggap ng preventive treatment upang tuluyang mapigilan ang pagkalat ng sakit.

Ang naturang sakit ay karaniwang nakukuha sa kontaminadong tubig na may itlog ng schis-to-so-ma pa-ra-sites na inilalabas ng freshwater snails.

Kung hindi ito magagamot agad, maaari itong magdulot ng malubhang komplikasyon sa atay, bato, at iba pang internal na organo—na maaaring humantong sa pagkamatay.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter