Matarik na bahagi ng Mt. Diffun sa Quirino Province, tinamnan ng mga puno ng SPM volunteers

Matarik na bahagi ng Mt. Diffun sa Quirino Province, tinamnan ng mga puno ng SPM volunteers

HINDI inatrasan ng volunteers ng Sonshine Philippines Movement (SPM) sa pangunguna ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang matarik na bundok sa Diffun, Quirino matapos tamnan ng mahigit 500 narra seedlings.

Hindi na bago sa Pilipinas ang pagtama ng iba’t ibang uri ng kalamidad.

Mula sa malalakas na bagyo, mga pagguho ng lupa dulot ng malalakas na buhos ng ulan, mga lindol na ikinasisira ng kabuhayan ng mga Pilipino at minsan pati buhay, ay nadadamay rin.

Mga karanasan na mayroon namang solusyon at paraan para masugpo ito sa pamamagitan ng kongkretong polisiya, edukasyon, at disiplina.

Mga bagay na matagal nang ginagawa ng KOJC leader na si Pastor Apollo C. Quiboloy.

Mula 2005 nang itatag niya ang Sonshine Philippines Movement (SPM) para alagaan at ipreserba ang ating kalikasan at kalauna’y makikinabang dito ang milyun-milyong mamamayan.

At nagpapatuloy ito hanggang sa kasalukuyang henerasyon.

Kaliwa’t kanang tree planting activities sa iba’t ibang panig ng bansa, walang katapusang paglilinis sa mga komunidad, ilog, mga estero, at sa karagatan man.

Kaya naman, walang maitulak kabigin sa kanilang paghanga ang sinuman o grupo man sa tuwing pinangungunahan nito ang kaniyang adbokasiya sa pangangalaga sa Inang Kalikasan.

At sa nagpapatuloy na One Tree, One Nation Initiative ng SPM sa pangunguna ni Pastor Apollo, muling binalikan ng grupo nito ang Mt. Diffun sa Brgy. Pimentel sa bayan ng Diffun, Quirino Province.

Ang bundok ng Diffun dito sa Quirino ay tinaguriang pinakamataas na bundok ng lalawigan na may taas na 1,188 meters.

Sa kabila ng pagiging sagana sa kabundukan, hindi rin ligtas ang lugar sa hamon ng pagkakalbo, pagkakaingin, kawalan ng edukasyon ang disiplina ng tao at epekto ng climate change.

Kaya naman, sa ilalim ng pinakabagong tema ng SPM na One Tree, One Nation o Isang Puno, Isang Bayan sa pangunguna ni Pastor Apollo C. Quiboloy, para sa mga volunteer, walang matarik na bundok, walang malayo na lugar at walang mahirap na gawin para lang maisalba ang ating Inang Kalikasan.

Isa ang nasabing barangay sa mga nakaranas ng hagupit ng mga nagdaang bagyo kung saan inanod ang ilang bahay sa lugar dahil sa pagragasa ng malakas na tubig-baha.

Bagay na masakit para sa mga residente na makitang inaanod ng baha ang mumunting pinaghirapan ng mga apektadong pamilya dahil sa epekto ng pagkakaingin, pagkakalbo, kakulangan na rin sa edukasyon ng tao at higit sa lahat ang epekto ng climate change.

Mga residente at opisyal ng Diffun, Quirino, pinasalamatan si Pastor Apollo C. Quiboloy sa malasakit nito sa kalikasan

Para sa iba pang lumahok na barangay official, malaking bagay ang ginagawa ni Pastor Apollo na pangunahan ang pagtatanim ng libu-libong punongkahoy sa buong bansa kasama na ang kanilang mumunting lugar na hindi rin ligtas sa mga pagguho ng lupa.

Para naman sa mga LGU ng Diffun, dapat aniyang tularan at magsilbing huwaran sa ibang lugar ang programa ni Pastor Apollo sa unti-unting pagsagip sa kalikasan na pakikinabangan ng tao at maging ng mga hayop.

Sa pagtatapos ng programa, mahigit 500 narra at calumpit seedlings ang naitanim ng mga volunteer ng SPM, katuwang ang iba’t ibang sektor, mga kabataan, kapulisan at miyembro ng Kingdom of Jesus Christ sa nasabing lugar.

Ayon pa sa tagapagsalita ni Pastor Apollo, “excellence is a norm” sa loob ng KOJC na nais ipaunawa ni Pastor Apollo sa mga Pilipino na may ikagaganda pa ang Pilipinas sa pagtutulungan ng lahat na hindi isyu ang pagkakaiba-iba ng lahi, kulay ng balat o paniniwala man.

Ang mahalaga aniya ang maibalik ang ganda ng Pilipinas, ang luntiang Pilipinas na maipagmamalaki sa buong mundo ng mga susunod pang henerasyon.

Una na itong nagawa sa loob ng Kingdom of Jesus Christ na ‘di imposibleng mangyari sa buong bansa.

Isang lider na may malasakit, isang lider na may puso para sa kalinisan, mapagkawang-gawa at tunay na pagbabago sa bayan.

“It takes a leader the success or failure of an organization depends on the leader. Kung ang lider kaso may ganyang utak, then everyone will just follow the same also with the KOJC. Kasi si Pastor, always excellence is a norm, kasi if you have not done it excellently, you have done nothing, ’yan po ang turing ni Pastor,” pahayag ni Atty. Kaye Laurente, Spokesperson-Pastor Apollo C. Quiboloy.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter