MULING bumalik ang mga volunteer ng Sonshine Philippines Movement (SPM) sa isa sa mga protected areas ng Cebu, upang ipagpatuloy ang layunin ni Pastor Apollo C. Quiboloy na patatagin ang environmental wellness ng lugar.
Isa lang ang pagtatanim ng punongkahoy at pangangala sa ating kapaligiran ang matagal ng naipamuhay ni Pastor Apollo C. Quiboloy, ngayon, matapos ang maraming taon, libu-libo na ang mga naging katuwang nito at ng SPM upang maging mga tagapangala ng ating kapaligiran.