MAGPAPAHINGA muna ang shooting guard ng Cleveland Cavaliers na si Max Strus sa loob ng anim na linggo.
Ito’y dahil nakapagtamo ang basketbolista ng right ankle sprain habang nagwo-workout noong nakaraang linggo.
Pagkatapos ng anim na linggo ay isasailalim na sa reassessment si Strus.
Sa regular season ng NBA, sa Oktubre 23, 2024 pa ang unang game ng Cavaliers kontra Toronto Raptors.