May 9 general election, pinakamahalagang survey- BBM camp

May 9 general election, pinakamahalagang survey- BBM camp

MALAKING bagay ang pre-election survey para kay frontrunner presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at vice presidential candidate Mayor ‘Inday’ Sara Duterte.

Ito ang inihayag ni BBM spokesperson Atty. Vic Rodriguez sa panayam ng SMNI News.

“So malaking bagay, makakatulong but uulitin ko nga, ito ay survey pa lamang ang pinakamahalagang survey ay sa May 9, 2022,” ayon kay Atty. Rodriguez.

Sa kabila nito, sinabi ni Rodriguez na ang mga ito ay nagpapahiwatig na mas maraming botante ang mas pinipili ang tambalan ni BBM at Inday.

Umaasa naman ang kampo ni BBM na magtuloy-tuloy na ang pagtaas ng rating ni BBM sa mga survey.

Saad naman ni Rodriguez na hindi pa rin sila magpapaka-kampante kahit nangunguna na sa survey base na rin sa tagubilin ni BBM.

Dagdag pa ni Rodriguez na hindi manghihimagod ang koponan ni BBM dahil nakikita nila ang kasigasigan ng kanilang lider.

Follow SMNI NEWS in Twitter