Maynilad, may week-long water interruption

Maynilad, may week-long water interruption

MAYROONG week-long water interruption ang Maynilad sa ilang lugar sa Metro Manila at Cavite.

Nagsimula ito nitong Sabado at magtatagal hanggang Abril 22-23, 2023.

Kalimitan naman nilang ipatutupad ang interruption mula 5 am – 12 nn.

Sa abiso ng Maynilad, makararanas ng pagkawala ng tubig ang kanilang konsyumer sa ilang bahagi ng Bacoor City, Imus City, Las Piñas City, Muntinlupa City, Parañaque City, at Pasay City.

Sinabi ng Maynilad na ang water interruption ay upang bigyang-daan ang paglilinis sa Putatan Water Treatment Plants.

Hinihikayat ng Maynilad ang mga apektadong konsyumer na mag-imbak ng sapat na tubig kapag may suplay.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter