NANGUNA si Davao City Mayor at vice presidential candidate “Inday” Sara Duterte at iba pang babae bilang top performing official sa survey na ginawa ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD).
Kaugnay nito, 98% ang nakuha na performance rating ni Mayor Sara.
Samantala, pagdating naman sa House of Representatives, nanguna si Congresswoman Camille Villar ng Las Piñas sa mga district representatives sa NCR na nakakuha ng 88%.
Habang si Gwen Garcia ng Cebu ang nangungunang gobernador na nakakuha ng 83%.
Ayon kay Dr. Paul Martinez ng RPMD, naka-base ang rankings at ratings sa komprehensibong pagsusuri sa kanilang performance sa trabaho.