NANAWAGAN at humingi ng tulong ang mga retiradong sundalo at mga sibilyan na naninirahan sa Sitio Kaunlaran upang tulungan silang huwag mapaalis sa lupa na kanilang tinitirahan.
Ayon kay Cenon de Galicia presidente ng grupo ng Kaisahan ng mga Sundalo at Sibilyan na halos 35 taon na silang naninirahan sa nasabing lugar.
1965 pa ini-award ni dating Presidente Diosdado Macapagal sa mga residente ang nasabing government land at iligal ang ginagawang pagpapalayas sa kanila ng AFHOVAI.
Ayon pa kay De Galicia ilang ulit na silang humingi ng tulong kay dating Taguig Mayor Lani Cayetano, ngunit wala umano itong ginawang tugon sa kanilang hinaing.
Hindi umano pinapayagan ng AFPOVAI na makapasok ang linya ng kuryente, tubig at maging ang mga internet provider sa kanilang lugar na labis na nagpapahirap sa kanilang mga anak na nag-aaral sa online class at apektado rin ang mga residente na work from home dahil sa pandemya.
Giit ng mga residente, iligal din umano ang itinayong gate ng security outpost sa lupa na pag-aari ng gobyerno kung saan sila nakararanas ng panggigipit ng mga security guard na naka duty 24 oras.
Dagdag pa ng mga residente, kinukumpiska rin ng AFPOVAI ang kanilang mga construction materials at hindi pinapayagan makapasok sa kanilang lugar upang maipaayos ang butas-butas nilang bubong.
Kailangan pang umakyat sa bubong ng bahay ang kanilang mga anak para lang magkaroon ng internet signal para makapasok sa kanilang online classes.
“Yan pong lugar namin ng Katipunan Village ay very controversial,” sinabi ni Roberto Lacuador, Presidente, Katipunan Village.
“Akoy poy nanawagan kay Mayor Sara Duterte,” wika ni Liza Albaran ,Vice President Dakilang Samahan, Sitio Masigasig.