Medical mission ni QC Vice Mayor Sotto sa District 4, pinasalamatan ng QCitizens

Medical mission ni QC Vice Mayor Sotto sa District 4, pinasalamatan ng QCitizens

NAGING matagumpay ang muling paghatid ng medical mission na isinagawa ng tanggapan ni Quezon City Vice Mayor Gian Sotto para sa QCitizens ng District 4 ng lungsod.

Personal na pinuntahan at binisita ni Vice Mayor Sotto upang kumustahin ang mga residente at makita ng kanilang mga kalagayan.

Katuwang ng Office of the Vice Mayor ang Quezon City Health Department sa paghahatid ng iba’t ibang serbisyong-medikal.

Labis naman ang pasasalamat ng mga residente ng District 4 sa pagbibigay ni QC Vice Mayor Sotto ng atensiyon sa kanilang pangangailangang-medikal.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble