Mega job fair sa Maynila, dinagsa ng mga aplikante

Mega job fair sa Maynila, dinagsa ng mga aplikante

DINAGSA ng mga aplikante nitong Pebrero 24, 2024, Sabado, nitong 12:00 ng tanghali hanggang 6:00 ng hapon ang day 2 ng 2-day Mega Job Fair sa Robinsons Manila, Level 1, Midtown Atrium, Ermita, Manila.

Ito ay handog ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa pangunguna ni Mayor Dra. Honey Lacuna-Pangan sa pamamagitan ng Public Employment Service Office – City of Manila kasama ang Robinsons Manila katuwang ang Department of Labor and Employment – National Capital Region (DOLE-NCR) Manila Field Office.

Nagpasalamat naman ang mga aplikanteng Manileño na nagpunta sa mega job fair kay Manila City Mayor Pangan sa magandang programa nito sa mga Manileño.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble