Maraming salamat sa lahat ng mga Pilipino na sumuporta at nakiisa sa laban nina Dr. Lorraine Badoy at Jeffrey ‘Ka Eric’ Celiz.
Noong December 5, ikinulong sina Dr. Badoy at Ka Eric sa House of Representatives matapos na sila ay manindigan para sa ating karapatan na malayang makapagpahayag at sa malayang pamamahayag.
Kahanga-hanga ang tapang at tatag na ipinamalas nina Dr. Badoy at Ka Eric para ipaglaban ang ating karapatan at itaguyod ang ating Saligang Batas.
Simbolo sila ng isang bayan na naninindigan ng tama at naninindigan para sa tama.
Una nang nagpakita ng katapangan at katapatan sa bayan sina Dr. Badoy at Ka Eric bilang bahagi ng matagumpay na kampanya ng Duterte administration laban sa terorismo ng insurhensiya sa ilalim ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.
Kinikilala natin ang mga magigiting na retired Philippine Military Academy Alumni at mga dating miyembro ng Armed Forces of the Philippines na naglabas ng matapang na panawagan para sa pagpapalaya ng dalawa.
Ang panawagan ng PMA Alumni at mga kawal ng AFP ay paalala rin sa kahalagahan ng kaayusan, integridad, at maayos na pamahalaan.
Maraming salamat din sa pagkakaisa ng mga kasapi ng media, social media practitioners, professionals, IP leaders, at iba pang sektor na naging instrumento para mapalaya sina Dr. Badoy at Ka Eric.
May kapangyarihan ang bayang nagkakaisa para sa pagsulong ng ating karapatan, para sa katarungan, katotohanan at sa pagtatatag ng mapayapa at matibay na bayan