NAGKAISA ngayon sa isang layunin ang Meta, Commission on Elections at ang Civil Society group na legal network for truthful elections.
Ito’y para sa kanilang “Be wais and teka moment” campaign.
Target ng naturang kampanya ang paalalahanan ang publiko na timbangin ang mga impormasyon na makikita online bago ipamahagi.
Binigyang-diin rin ng kampanya ang paraan kung paano makikita ang fake news lalo na sa usapang politika.
Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, malaki ang role ng social media platform gaya ng Facebook na ngayoy tinawag nang Meta sa pagbibigay impormasyon kung kaya’t isang malaking pakinabang na nakiisa ito sa kampanya.
Sa panig naman ni Clare Amador, Head ng public policy for Facebook Philippines, suportado nila ang Comelec dito para na rin sa kapakanan ng voters.