Metro Manila mayors, gagawa ng panibagong hakbang para makumbinsi ang lahat na magpa-covid booster shot.

Metro Manila mayors, gagawa ng panibagong hakbang para makumbinsi ang lahat na magpa-covid booster shot.

SINABI ng Department of Health (DOH) na magpupulong ang Metro Manila mayors para talakayin ang posibleng hakbang para mas makumbinsi ang mga tao na magpa-booster shot na.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque, nakausap na nito si MMDA Chairman Don Artes hinggil dito.

Hanggang ngayon ay mababa pa rin ang antas ng mga nagpapa-booster shot at ninanais ni Duque na maging mandatoryo sana ito gaya ng ibang bansa para sa kaligtasan ng lahat.

Kung matatandaan, nauna nang ipinatupad sa Metro Manila ang pagbabawal sa mga hindi bakunadong indibidwal na sumakay sa pampublikong transportasyon.

Hindi rin ito maaaring makapasok sa mga Mall bunsod na rin sa paglobo ng COVID infections.

Follow SMNI News on Twitter