NAGPULONG ang mga academic at political leaders mula sa China at Japan sa nagbukas na 19th Beijing-Tokyo Forum noong Huwebes upang talakayin ang estado ng bilateral relation ng dalawang bansa.
Nakatuon ngayon ang nasabing kaganapan ng China at Japan sa pagpapanatili ng kapayapaan at friendly relations gayundin ang paggunita sa ika-45 anibersaryo ng paglagda ng Sino-Japanese Treaty of Peace and Friendship.
Sa pagbubukas ng seremonya noong Huwebes, isa si Chinese Foreign Minister Wang Yi, na miyembro din ng Political Bureau of the Communist Party of China Central Committee, ang nagbigay ng kaniyang salaysay at ipinanawagan ang pagsisikap na paunlarin pa ang Sino-Japanese relations.
“At present, relations between China and Japan face a complex and grim situation. There are long-standing problems, new challenges and external intervention. We should take the commemoration of the 45th anniversary of the signing of the treaty as an opportunity to act on our original aspiration, uphold fundamental principles and break new ground, and shoulder the historic mission of continuing China-Japan peace and friendship,” ayon kay Wang Yi, Chinese Foreign Minister.
Aniya, ang mga nagdaang relasyon ng China at Japan ay palaging nalalagay sa isang masalimuot at malagim na sitwasyon dahil sa matagal na mga problema, mga bagong hamon at mga external intervention na kinasasangkutan ng parehong bansa.
Ayon kay Wang dapat lamang na gunitain ang ika-45 na anibersaryo sa paglagda ng treaty bilang pagkakataon upang maisakatuparan ang orihinal na adhikain, mga paninindigan ng mga pangunahing prinsipyo at panibagong landas sa nagpapatuloy na kapayapaan at pagkakaibigan ng China at Japan.
Tinugunan naman ng dating punong ministro ng Japan na si Yasou Fukuda ang mga naging pahayag ni Wang na nagbahagi ng kaniyang mga pananaw sa pagpapanatili ng kapayapaan at mapagkaibigang relasyon ng dalawang bansa.
“In 2010, the economic scale of China surpassed that of Japan. Unfortunately, since then, friendly relations between Japan and China have deviated, and this phenomenon has occurred in both countries. Therefore, I always believe that it is the right choice for Japan and China to maintain and develop the proper peaceful and friendly relations as neighbors at home. Both Japan and China bear important responsibilities for fostering peace and prosperity in the region and the international community at large,” ani Yasuo Fukuda, Former Japanese Prime Minister.
Aniya, matatandaan na noong 2010, nalampasan ng economic scale ng China ang Japan ngunit sa kasamaang-palad lumihis ang friendly relations ng dalawang bansa at nangyari ang mga salungatan ng China at Japan at ang forum na ito ang siyang tamang kaganapan upang mapanatili ang mapayapang ugnayan bilang magkapitbahay kung saan ang China at Japan ay may mahalagang responsibilidad para sa pagpauunlad ng kapayapaan at kaunlaran sa rehiyon at sa international community.
Tinalakay naman ng mga iskolar at ng mga eksperto na dumalo sa kaganapan ang mga mahahalagang isyu kabilang na ang politika, ekonomiya, nuclear safety, security, media at ang mga responsibilidad na maipapamana ng mga susunod na henerasyon ng dalawang bansa na siyang lalong magpapalakas ng dayalogo at magtataguyod ng pagkakaunawaan sa isa’t isa.