UMABOT na sa 1,595 ang naitalang apektadong pamilya sa Ilocos Norte at 20 naman ang bilang ng nasirang bahay dahil sa Bagyong Neneng.
Nakaantabay ang DSWD Field Office 1 para sa pagbibigay ng karagdagang tulong sa mga apektadong lokal na pamahalaan.
Samantala, mayroon namang naitala na 2 injured mula sa report ng lokal na pamahalaan ng Dingras, Ilocos Norte.
Magugunitang, isang bahay ang nabagsakan ng puno sa Dingras, Ilocos Norte kung saan sugat ang natamo ng ilang miyembro ng pamilya kabilang ang 5 buwang bunso.
Labis na naapektuhan ang nasabing pamilya at kasalukuyang nasa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center, Batac City.
Sa likod ng trahedya, handang umagapay sa pamilya ang DSWD sa pamamagitan ng Malasakit Center sa nasabing ospital.
Laking pasalamat ng ina matapos niyang tinanggap ang P5,000.00 na financial assistance habang binabatayan ang kaniyang 5 buwang anak sa nasabing ospital.