Mga asawa nina Ka Eric Celiz, Lorraine Badoy, nagpasaklolo sa Korte Suprema

Mga asawa nina Ka Eric Celiz, Lorraine Badoy, nagpasaklolo sa Korte Suprema

ANIM na araw na mula nang idenetain ng Kamara ang dating kadre na si Ka Eric Celiz at dating National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Spokesperson Lorraine Badoy matapos silang ma-contempt habang dinidinig ng House Panel ang prangkisa ng Sonshine Media Network International (SMNI).

Lunes ng hapon, nagpapasaklolo na ang mga asawa nila Badoy at Celiz sa Korte Suprema para sa kanilang agarang paglaya mula sa House detention.

Kasama ang abogado na si dating Malacañang Spokesperson Atty. Harry Roque, naghain ang mga ito ng habeas corpus at certiorari para ideklarang walang legal na basehan ang House detention at mayroong grave abuse of discretion.

Matatandaan na pina-contempt ng mga kongresista si Ka Eric at idenetain sa loob ng House of Representatives (HOR) matapos itong tumangging pangalanan ang kaniyang source sa P1.8-B na travel expenses umano ni House Speaker Martin Romualdez habang si Badoy ay kinontempt dahil sa naging sagot nito sa advertisement ng programang Laban Kasama ang Bayan.

Para sa kampo, ilegal ang naturang House detention.

Naniniwala naman ang mga petitioner na agad na aaksiyunan ng Korte Suprema ang kanilang apela.

Gusto ng mga asawa nila Badoy at Celiz na makasama ang mga ito bago ang Pasko.

Sa kanilang petisyon, gusto nilang makalabas ng House detention ang dalawa bago o sa Disyembre 15.

Samantala, binalewala naman ng asawa ni Celiz ang mga kritisismo sa ginagawang hunger strike ng kaniyang asawa habang nakakulong sa pasilidad ng Kamara.

Matatandaang nag-hunger strike si Celiz at Badoy bilang pagprotesta sa ginawang pagpapadetine sa kanila ng House panel.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble