MAYNILA – Sinimulan na ngayong araw ang Final Testing and Sealing (FTS) ng mga Automated Counting Machine (ACM) upang matiyak na ang mga ito ay maayos ang takbo at handa nang gamitin para sa nalalapit na May 12, 2025 elections.
Sa ilalim ng FTS, sampung (10) botante ang aktwal na boboto sa presinto gamit ang totoong balota, na siya namang isasalang sa ACM para subukin kung epektibo itong makakabasa at makakaproseso ng boto.
Nilinaw ng COMELEC na hindi isinasama ang transmission ng mga resulta mula sa ACM sa proseso ng FTS upang maiwasan ang anumang isyu o pagkakabahala sa pagproseso ng mga boto.