Mga drivers na naniningil ng pamasahe sa libreng sakay, dapat ikulong –Atty. Roque

Mga drivers na naniningil ng pamasahe sa libreng sakay, dapat ikulong –Atty. Roque

DAPAT ikulong!

Payo ito ni Atty. Harry Roque sa mga nananamantalang drivers sa EDSA Carousel kasunod sa ulat na naniningil umano ang mga ito ng pamasahe mula sa mga commuter.

Ito ay kahit ipinatupad na ang 24/7 na libreng sakay sa EDSA Busway simula December 1-31.

Ayon sa mga ulat, nangyayari umano ang paniningil ng pamasahe pagpatak ng alas onse ng gabi.

Sinisigurado naman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na matukoy at mapananagot ang sinumang nasa likod ng umano’y paghihingi ng pamasahe sa EDSA Busway.

Hinihikayat naman ng LTFRB na sakaling may ganitong ulat pang nakikita, na-witness o nalalaman ang mga commuter ay agaran itong ipaalam sa traffic enforcers ng Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT) na nakapwesto sa EDSA Busway stations.

Follow SMNI NEWS in Twitter