Mga eskwelahang apektado ng malakas na lindol, patuloy na minomonitor ng DepEd

Mga eskwelahang apektado ng malakas na lindol, patuloy na minomonitor ng DepEd

MINOMONITOR na ng Department of Education (DepEd) ang mga paaralang napinsala dahil sa malakas na lindol.

Ito ang inihayag ni Atty. Michael Poa, tagapagsalita ng DepEd sa isang joint press conference kasama ang Office of the Vice President.

Dagdag ng DepEd na in-activate na nila ang kanilang Disaster Risk Reduction and Management teams upang imonitor at tumugon sa sitwasyon, kabilang na rito ang pagbibigay ng psychological first aid sa mga apektadong tauhan at mag-aaral.

Suspendido sa ngayon ang mga tanggapan at paaralan ng DepEd na lubhang naapektuhan ng lindol.

Nilinaw naman ng DepEd na ang patuloy na pagsususpinde ng trabaho at mga klase ay nasa pagpapasya ng mga lokal na pamahalaan.

Inilahad naman ni Poa na naglaan na ng quick response fund ang DepEd sa 2023 budget upang matugunan ang pangangailangan ng mga paaralan tuwing may sakuna.

Nakahanda naman ang satellite offices ng Office of the Vice President para magbigay ng tulong sa mga apektado ng lindol.

Follow SMNI NEWS in Twitter