Mga gumagawa ng prank na may kaugnayan sa krimen, binalaan ng ACG

Mga gumagawa ng prank na may kaugnayan sa krimen, binalaan ng ACG

BINALAAN ngayon ng Anti-Cybercrime Group (ACG) ang mga content creator na mananagot sa batas kung gagawa ng mga prank video na may kaugnayan sa krimen gaya ng kidnapping hold-up at iba upang hindi na tularan.

Paalala sa mga nanonood na content creator na maging responsable sa pagawa ng video na ina-upload sa social media, dahil maaaring mahaharap sa kaso sakaling magkamali ng content na ina-upload.

April 7 2023 nang inap-load sa Youtube ang video kung saan sa isang lugar sa Las Piñas bumaba sa itim na kotse ang mga lalake na nakasuot ng bonet at dinampot ang isang lalakeng nakatambay lang sa tindahan at isinakay sa itim na kotse.

Maya-maya pa dumating ang lalaking nakaputi at muntik nang mabaril ang mga lalaking nakabonet at dito na nalamang mga content creator pala ang mga ito at gumagawa lang sila ng kidnapping prank.

Ang lalaking nakaputi naman ay isa palang pulis, siya ay si Police Staff Sergeant Ronnie Conmigo ng Integrity Monitoring and Enforcement Group.

Galit si Conmigo na 26 na taon na sa serbisyo dahil muntik na niyang madisgrasya ang mga prankster para lang may mailagay na content sa kanilang vlog.

Dahil sa nangyari, at para hindi tularan, nagsampa si Conmigo ng reklamong Alarm and Scandal laban sa 5 vlogger.

Kaugnay nito ay pinapatanggal na ng Philippine National Police (PNP) ang naturang kidnap prank.

Ayon kay PCapt. Michelle Sabino, spokesperson ng Anti-Cybercrime Group (ACG-PNP) na nasampahan na ng kaso ang mga content creator na nag uplaod ng nasabing kidnaping prank.

Kaya panawagan ng tagapagsalita sa mga content creator na maging responsable sa mga videos na ina-upload sa social media upang hindi ito makaabala sa ibang tao.

Sa huli babala ng Anti-Cybercrime Group sa mga gumagawa na prank na may kaugnayan sa krimen na huwag na itong ipagpatuloy dahil tiyak hindi sila magdadalawang isip na magsampa ng kaso.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter