ITINUTURING na sakit sa ulo ng pamahalaan ang mga ilegal na Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) sa bansa.
Kasunod ito ng matagumpay na pag-rescue sa halos 3 libong indibidwal na nagtratrabaho sa isang POGO company sa Las Piñas City.
Bukod dito, marami na ring insidente ng kidnap for ransom, human trafficking, at pang aabuso ang naitala ng PNP na may kinalaman sa POGO operations.
Sa panayam ng media kay PNP spokesperson PCol. Jean Fajardo, pabor sila na ipagbawal na ang operasyon ng POGO sa bansa dahil sa mga krimen at karahasang dulot nito.
Sa kabilang banda, ipinauubaya na lamang muna ito sa mga mambabatas at LGUs kung saan kadalasa’y nag-o-operate ang mga ito.