Tulong mula sa Red Cross para sa Cebu, umabot ng P1-B

Tulong mula sa Red Cross para sa Cebu, umabot ng P1-B

UMABOT sa P1-B ang natanggap na tulong ng Cebu mula sa Philippine Red Cross (PRC) sa loob ng isang dekada.

Ang mga tulong, karamihan ay mga emergency at recovery assistance para sa mga Cebuano noong sinalanta ng iba’t ibang kalamidad ang probinsiya mula pa noong panahon ng Bagyong Yolanda, sunog, lindol, maging sa panahon ng pandemya, hanggang sa Bagyong Odette.

‘Philippine Red Cross (PRC) always there for Cebu’, ito ang paniniguro ni PRC Chairman at CEO Richard Gordon nang bumisita ito sa Cebu kamakailan.

Aniya, nakapagbigay na ang organisasayon ng 8,700 na mga bahay at tents sa mga ospital noong panahon ng COVID-19 pandemic at iba pa.

 “I think we built 8,700 homes here, we provide tents to all hospitals during COVID operations, all the major hospitals, additional tents and beds, we have a molecular laboratory establish here and soon, we will be putting blood banks,” ayon kay PRC Chairman Richard Gordon.

Umabot din sa 1,263 na mga bahay ang naipasaayos at 8,854 na mga pamilya ang nabigyan ng hanapbuhay, at 12,517 na mga pamilya ang nabigyan ng cash grants.

Ayon pa kay Gordon, isa lamang ang Cebu sa natulungan ng PRC, kung matatandaan sa Bagyong Haiyan o Yolanda, umabot sa 18 bilyon ang natulungan ng PRC at patuloy anila silang magbibigay ng serbisyo-publiko.

“Haiyan was 18 bilyong pesos worth of infrastructure of house which included about in Tacloban; in Leyte, 29 thousands homes in all other areas, up to Palawan, up to Bohol. We built so many houses and by the way the rolling sack of Cebu, 3 ambulances and Lapu-Lapu is 5 ambulances. We have a blood bank, blood bank center and we want to expand some more and that’s why it’s important the premier humanitarian organization in the world which is the Philippine Red Cross is always on its toes we could address the suffering of the vulnerable,” ani Gordon.

Kasama sa nag-welcome kay Gordon si former Cebu City Mayor Tomas Osmeña at ang maybahay nito na si former Cebu City Councilor Margot Osmeña, PRC governor at Roble Shipping Lines Owner Joy Roble, Board Member Dr. Stanley Caminero, at iba pang mga opisyales at volunteers.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter