Mga lalabag sa COVID-19 quarantine protocols, maaaring maharap sa pagkakakulong

Mga lalabag sa COVID-19 quarantine protocols, maaaring maharap sa pagkakakulong

BINALAAN ng Malakanyang ang mga bumiyaheng pabalik sa Pilipinas na mahaharap ang mga ito sa pagkakakulong kapag napatunayang lumabag sa COVID-19 quarantine protocols.

Ayon kay Acting Presidential Spokesperson, Cabinet Secretary Karlo Nograles, tiyakin ng mga biyahero at mga hotel ang pagtalima sa lahat ng COVID-19 quarantine protocols o mahaharap ang mga ito sa kasong krimen.

“Sa Notifiable Diseases Law it’s not just a penalty, may imprisonment din ito,” pahayag ni Nograles.

Sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 11332 o Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Concern Act, pagmumultahin mula P20,000 hanggang P50,000 o pagkakulong ng isa hanggang anim na buwan, o parehong multa at pagkakulong ang sinumang lalabag sa nasabing batas.

“Kung nag-iisip kayo mag-violate, then please don’t even attempt to because hahabulin ka talaga namin, including those hotels. You are under contract, you have certain responsibilities and you know, not just civil suits, but criminal action can also be filed against you,” ani Nograles.

Nananawagan din si Nograles sa publiko na kaagad isangguni ang sinumang nasuspetsahang lumabag sa quarantine upang ang mga ito’y mahaharap sa kaparusahan.

“Kung mayroon mang nakakaalam, then please report to us immediately so that can take proper action,”aniya pa.

BASAHIN: DOT, pinag-aralan ang mga karagdagang ulat patungkol sa umano’y quarantine breach sa mga hotel

Follow SMNI News on Twitter