NAARESTO sa General Trias Cavite ang dalawang high-value drug personalities na kinilalang sina Beverly Morales alias Amen, 27-taong gulang at Grazielle Joyce Perez alias Potlocca, 29-taong gulang matapos na mahulihan ng marijuana.
Ang pagkakahuli ng dalawang suspek ay resulta ng pinagsanib na puwersa ng mga awtoridad sa Cavite, nadiskubre ng mga operatiba ang iba’t ibang produkto kagaya ng chocolate, cookies, vape pods ay alcohol na may substance ng marijuana.
Nakumpiska ang humigit-kumulang 14 na gramo ng pinaghihinalaang tuyong dahon ng marijuana, humigit-kumulang 27,750 gramo ng solid substances ng marijuana na ginawang cookies, humigit-kumulang 200 gramo ng butter na nagtataglay ng pinaghihinalaang marijuana extract; humigit-kumulang 1,200 ml ng chili oil garlic na may suspected marijuana oil, humigit-kumulang 286 piraso ng gelatin capsules; humigit-kumulang 39,750 ml ng liquid substances na marijuana.
Nakuha rin ang buy-bust money kasama ang iba’t ibang drug paraphernalia.
Kasong paglabag sa Republic Act No 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act ang isasampa laban sa mga nahuling suspek.