NAIS ipagbawal ng isang panukalang batas ang pag-inom ng alak ng mga menor de-edad at persons with mental condition.
Batay sa House Bill No. 1753 o Anti-Underage Drinking Act nina Davao City Rep. Paolo Duterte at Benguet Rep. Eric Go Yap, ipinagbabawal sa mga batang edad 21-anyos pababa ang pag-inom ng alak.
O kahit 21-anyos na pero walang kakayahan na protektahan ang kaniyang sarili laban sa anumang pang-aabuso o yung may mga ‘physical or mental disability or condition.’
Lahat ng mga kabataang lalabag o mga establisyementong nagkulang sa pagpapatupad ng batas ay pagmumultahin ng P50,000 at pagkakakulong ng hindi lalampas sa 3 buwan.
Pinapaparusahan din ng bill ang sinumang public officer na bigong ipatupad ang batas at maaring makulong ng hindi bababa sa 1 buwan at hindi lalampas sa 6 na buwan.
Paliwanag nina Congressman Duterte at Yap na mandato ng estado na pangalagaan ang mga kabataan laban sa alcohol abuse kaya nila isinulong ang panukala.