Mga nabakunahan ng first dose, maaaring bakunahan ng 2nd dose pagkatapos ng 1-2 linggo— eksperto

Mga nabakunahan ng first dose, maaaring bakunahan ng 2nd dose pagkatapos ng 1-2 linggo— eksperto

MAAARI nang bakunahan ng second dose ng COVID-19 vaccine ang isang indibidwal na nabakunahan na ng first dose kahit isa o dalawang linggo pa lamang ang nakalipas.

Ito ang sinabi ni Epidemiology at Data Analytics Expert, Dr. John Wong, na isang ring founder ng Health Research Institution Epimetrics Inc.

Ani Wong, ang mahalaga aniya ay bumalik ang naturang indibidwal para sa kanyang second dose at nang makumpleto ang proteksyon laban sa sakit.

Dagdag pa ni Wong, maaaring ang dahilan kung bakit hindi agad nabakunahan ng 2nd dose ay ang kakulangan ng suplay ng bakuna, conflict ng schedule at takot sa side effect.

Matatandaang, inihayag din ni Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr., na target nitong bakunahan ang 500,000 Pilipino kada araw sa Metro Manila at iba pang economic hubs para maabot ang target na ‘population protection’ sa ika-27 ng Nobyembre.

Sa ngayon, nasa 1.2 milyong mga Pilipino na ang fully vaccinated, habang nasa 5.18 milyong indibidwal na rin ang nabakunahan kontra COVID-19 sa buong bansa.

DOH, nakapagtala ng karagdagang kaso ng COVID-a9 sa bansa

Samantala, nakapagtala ang Deparment of Health (DOH) ng 7,217 na karagdagang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Dahil dito, pumalo na sa 1,247,899 ang bilang ng mga tinamaan ng sakit sa bansa.

Ayon sa DOH, pumalo na sa 1,170,752 ang bilang ng mga gumaling matapos itong madagdagan ng 3,483.

Umabot naman sa 21,357 ang bilang ng mga nasawi matapos makapagtala ng 199 new deaths.

Mayroon namang naitalang 55,790 na active cases sa bansa.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong Hunyo 1, 2021 ngunit mayroong 4 na laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 4 na lab na ito ay humigit kumulang 0.29% sa lahat ng samples na naitest at 0.12% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

 

SMNI NEWS