Mga nabakunahan sa Legazpi City, umabot na sa 15K

Mga nabakunahan sa Legazpi City, umabot na sa 15K

PUMALO na sa halos 15,000 ang mga nabakunahan sa COVID-19 sa lungsod ng Legazpi.

Dahil sa nagpapatuloy na vaccination rollout, nasa 14,996 na ang kabuuang bilang ng mga nabakunahan ng COVID-19 vaccine sa lungsod ng Legazpi.

Ang pinakahuling tala na ipinalabas ng lokal na pamahalaan patungkol sa bilang ng mga nabakunahan na ay mula sa A1 hanggang A3 priority group para sa first and second dose.

6,712 na ang nabakunahan ng first dose sa A1 priority list at 4,924 naman ang nabigyan ng second dose. Ito ay kinabibilangan ng mga frontline workers sa mga health facilities ng lungsod.

1,797 naman ang nabakunahan ng first dose sa A2 at 621 na rito ang nabakunahan na ng second dose.

Sa kabuuhan, umabot na sa 9,285 ang nabakunahan ng unang dose mula A1 to A3 habang 5,711 na ang nabakunahan ng second dose ng COVID-19 vaccine.

Kaugnay nito, hinihikayat ni Mayor Noel Rosal ang mga Legazpeño na mag register na online o kaya’y magpalista na sa kanilang barangay para magpabakuna.

Ayon pa sa alkalde, marami pang mga bakuna ang darating kung kaya’t inaasahang tuloy-tuloy na ang pagbabakuna sa lugar.

(BASAHIN: Legazpi City at munisipalidad ng Daraga, Albay isasailalim sa 15 days GCQ)

SMNI NEWS