SA 18 nag-parehistro sa syudad ng Naga upang mabakunahan nasa 4,171 pa lamang ang naturukan ng first dose habang 1,998 pa lang ang nakatanggap ng second dose sa mga isinagawang vaccination rollout sa syudad dahil sa hindi sapat na suplay ng bakuna.
Nagpapatuloy ang vaccination rollout ng syudad ng Naga, ngunit dahil sa kakulangan ng dumarating na mga bakuna konti pa lamang ang nabibigyan ng first and second dose ng COVID-19 vaccines.
Sa kasalukuyan mayroon nang 18,000 nagparehistro sa syudad ng Naga para sa mga nais magpabakuna.
Ngunit nasa 4,171 na indibidwal pa lamang ang nabigyan ng first dose at 1,998 pa lang ang nabigyan ng second dose.
Ito ay dahil sa kakulangan ng bakunang inaasahan ng syudad mula sa gobyerno nasyonal.
Sa ngayon, wala pa sa 7,000 ang bakunang natatanggap ng lokal na pamahalaan ng syudad ng Naga ngunit kung sakaling mapirmahan umano ng distributor at ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga papeles na kailangan para sa pagbili ng lokal na gobyerno ng Naga ay aabot sa mahigit 50,000 doses ng Covaxin ang inaasahan ng syudad na darating ngayong buwan ng Hulyo.
Ayon sa ulat 2,778 na health workers o nasa A1 priority group pa lamang ang nababakunahan na nasa 1,985 ang first dose at 763 lamang ang sa second dose.
3, 325 naman mula sa A2 priority group o mga senior citizens kung saan 2,103 ang naturukan ng first dose samantalang 1,222 lamang sa second dose.
Ang A2 priority group na kinabibilangan ng mga may comorbidities ay umabot lamang sa 106 ang kabuuang bilang ng nabakunahan na may 83 ang bilang ng nabakunahan sa first dose at 23 pa lamang ang nakakatanggap ng second dose.
(BASAHIN: Lokal na pamahalaan ng Naga, sumulat kay Secretary Carlito Galvez Jr.)