Mga nag-uudyok ng giyera para umano sa soberanya ng bansa sa WPS, dapat maunang isabak sa digmaan—PTFOMS Chief

Mga nag-uudyok ng giyera para umano sa soberanya ng bansa sa WPS, dapat maunang isabak sa digmaan—PTFOMS Chief

SA gitna ng usapin ng posibilidad ng pagkakaroon ng digmaan dahil sa West PH Sea, inihayag ni Usec. Paul Gutierrez na kung sino ang nag-uudyok ng giyera ay ang pamilya nito ang dapat unahing isabak dito.

Sinabi naman nito kasama ang ibang mambabatas na kung anuman ang posibleng mangyari, dapat maging handa ang bawat Pilipino.

“Kung sino ang nag-uudyok ng giyera, sila dapat ang maunang isabak sa giyera,” ayon kay Usec. Paul Gutierrez.

‘Yan ang naging pahayag ni Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) Executive Director Usec. Paul Gutierrez sa posibilidad na mauuwi sa giyera ang tensiyon sa pinag-aagawang teritoryo sa West PH Sea.

Ayon kay Gutierrez, ang tensiyon doon ay maari pa namang idaan sa maayos na usapan.

‘’Naniniwala tayo na ang lahat ay madadaan pa rin sa mahinahong pag-uusap ng magkabilang panig. Unang-una po, dapat nating maintindihan na hindi po natin kaaway ang China. Darating po tayo sa puntong ‘yang (giyera) sakaling kanselahin na po natin ang relasyong pangdiplomatiko, kung kinansela na ng China, ng ating forein diplomatic natin at ng China ang diplomatiko,’’ saad ni Usec. Paul Gutierrez.

‘’Ang panawagan naman po sa Kongreso, kayong mahilig sa giyera eh kayo na po ang unang sumabak doon. Ang mga anak, kamag-anak, pinsan, kapatid, sila po ang una ninyong ika nga mag-enlist sa reserve forces at sila po ang pumunta doon sa magugulong lugar,’’ dagdag nito.

Sinabi rin nito na dapat tayong matuto sa kasaysayan ng bansa pagdating sa giyera kung saan sa huli ay iniwan din tayo ng mga kakamping bansa.

‘’Sa nakikita po nating advances ng teknolohiya ng giyera, wala tayong nakikitang credible defenses, wala pong ganyan ang masasabi ang Pinas.  Sa ating karanasan, sa mga nahulukang digmaan tulad ng World War 2, sa bandang huli po umaasa ang mga Pilipino sa sariling lakas dahil hindi po tayo sinuportahan ng ating mga kaalyado partikular po noong World War II nakita natin na inabandona ng mga Amerikano, tumakas po si Mc Arthur at sa totoo lang noong bumalik siya ay naipanalo na ng mga Pilipino ang pwersa ng mga hapon,’’ ani Gutierrez.

Samantala, sakali aniyang magkakaroon ng anumang panawagan ang gobyerno para sa kakailanganing depensa ng bansa ay obligado aniya ang bawat isa, anuman ang iyong estado o trabaho na tumugon sa panawagan ng gobyerno.

Sa Senado, patuloy na itinutulak ang Mandatory ROTC sa mga kabataan bilang paghahanda sa anumang banta ng giyera o kalamidad na maaring dumating sa bansa.

Una nang sinabi ni Senator Robin Padilla, na ang ating mga kabataan ay dapat laging maging handa dahil hindi aniya nawawala ang banta ng digmaan.

‘’Huwag nating alisin na maging preparado ang ating mga kabataan sa anumag pwedeng dumating kasi historically, tayo po ay hindi napahinga sa giyera. Dahil sa ngayon, tayo ay napahinga giyera, pero nandiyan pa rin ‘yong threat. Di nawawala,’’ ayon kay Sen. Robin Padilla.

‘’Geographically speaking, napakaganda po ng location natin sa usapin po ng Navy, usapin ng Air Force sa lahat ng bagay, opensa po ng ating bansa ay napakahalaga,’’ ani Padilla.

Naniniwala naman si Sen. Bato dela Rosa na mas malaki ang tsansa ngayon na makakalusot o maipapasa na sa Senado ang naturang panukala sa gitna ng nangyayaring tensiyon sa WPS.

‘’Isa sa mga objective ng ROTC is defense preparedness, so paano ka magkakaroon ng defense preparedness kung wala kang standing reserve force. Ang source ng reserve force natin, ROTC lang. Sa ngayon ha,’’ saad ni Sen. Ronald dela Rosa.

 Ilan sa mga kabataan at magulang, pabor nang maipasa ito kahit pa may posibilidad na isasabak sila sa digmaan bilang reserve force.

‘’No choice po kasi talaga ‘yon, turuan mo sila lumaban o hindi, ganun rin namin e, may tendency na mapapahamak sila e ‘di turuan mo na lang lumaban,’’ayon sa isang magulang na si Bebang.

‘’Para din naman sa bansa po, malay natin sakupin na tayo ng ibang bansa, wala tayong panlaban. Kailangan din natin talaga,’’ ayon sa isang high school student.

’May training naman po, ‘yong takot nandoon kasi kun made-deploy ka sa battle field, aatras ka? Hindi po para sa bayan,’’ ayon naman kay Vanna.

‘’Sa nakikita po nating advances ng teknolohiya na giyera, wala tayong nakikitang credible defenses, wala pong ganyan,’’ saad nito.

Follow SMNI NEWS on Twitter