Mga nahuling nagbebenta, nagpaputok ng iligal na paputok, umabot sa 42 –PNP

Mga nahuling nagbebenta, nagpaputok ng iligal na paputok, umabot sa 42 –PNP

KABUOANG 42 ang nahuli ng PNP kaugnay sa iligal na pagbebenta, at paggamit ng ipinagbabawal na paputok sa bansa.

Ayon sa panayam kay PNP chief PIO Col. Rederico Maranan, agad na papatawan ng kaukulang kaso ang mga nahuling indibidwal batay sa isinasaad sa Republic Act 7183.

Samantala, nakapagtala rin ang PNP ng mahigit dalawang milyong pisong halaga ng mga nakumpiskang iligal na paputok sa ilalim ng Ligtas Pasko 2022 at sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Isa sa mga dahilan ng mataas na bilang ng mga lumabag sa RA 7183 ay dahil bukas na ang aktibidad ng mga tao dahil sa pagluluwag ng restriksiyon dahil bumababang kaso ng COVID-19 sa bansa.

 

Follow SMNI News on Twitter