PINARANGALAN ng Villar SIPAG, sa pangunguna ni Sen. Cynthia Villar, ang mga nanalo ng parol-making contest sa Parol Festival ng Las Piñas.
Kakaiba ang mechanics para sa nasabing contest dahil kailangan gawa sa recycled materials ang mga malalaking parol.
Ayon kay Senadora Cynthia, na siya ring managing director ng nasabing foundation, ang nasabing pa-contest ay bahagi ng kanilang commitment na suportahan ang parol industry.
Ipinahayag ni Sen. Cynthia Villar na bahagi ng buhay ng mga Las Piñeros ang makukulay na kaganapang ito bilang pagdiriwang sa darating na Kapaskuhan.
“Ang nagawa pa ng parol ay mga lola nila, mga magulang nila ngayon ay mga apo na ang gumagawa ng parol sa Las Piñas and they are very proud of it. And we are very proud of it that we can continue the tradition for 3 generation and I hope it will continue forever,” pahayag ni Sen. Cynthia Villar.
Kinilala ni Villar ang galing ng Las Piñeros na gumawa ng kakaiba at environmental-friendly “parol” kaya nangingibabaw ang Las Piñas pagdating sa parol.
Sa kabila ng mga hamong kinakaharap ng ating bansa, nais nilang makaranas ang kanilang mga nasasakupan ng isang araw na puno ng saya.
Bukod sa parol-making contest ay nagsagawa rin ng street dancing festival.
“Kami magaling sa recycled materials, napapakita pa namin ang aming environment sustainability even in our parol-making. Kasi kami ang winner in livelihood which involves the recycling of waste. Pati parol namin recycling of waste din kaya napakagandang inspiration sa mga Pilipino that we have to develop our environmental sustainability,” dagdag ni Sen. Villar.
Ang mga nanalo sa taunang parol-making contest ay tumanggap ng P10,000 para sa 3rd prize, P15,000 sa 2nd prize at P20,000 naman sa grand winner.
Habang ang mga hindi nanalo ay tumanggap ng P2,500.
Bahagi ng kumpetisyon ang adhikain ni Villar na isulong ang garbage recycling at efficient solid waste management.