Mga PDL sa CIW, sumailalim sa Mindfulness-Based Resilience Seminar

Mga PDL sa CIW, sumailalim sa Mindfulness-Based Resilience Seminar

PINANGUNAHAN ni Billy Tan ng Malaysia-Philippines Humanitarian Community (MALPHIL), ang “Mindfulness-Based Resilience Seminar” sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong.

Si Tan ay isang sertipikadong Master Practitioner ng Neuro-Linguistic Programming, Clinical Hypnotherapist, Laughter Yoga Teacher, at Laughter Ambassador.

Ang nasabing seminar ay inorganisa para sa mga indibidwal na dumaranas ng personal na mga problema na nais magtamo ng mas malusog na pangangatawan, mapayapang isipan, mapagmalasakit na puso, at positibong pananaw.

Ito ay sinuportahan nina Paolo Martin L. Trinidad, isang Filipino motivational trainer at nagtatag ng Pinoy Laughter Yoga movement, at Katrina de Guzman Mariano, isang sertipikadong Yoga instructor.

Ang highlight ng aktibidad ay ang interactive na pagtatanghal ng mga kalahok sa buong pagsasanay, kung saan sila ay nakikibahagi sa breathing exercises, relaxation techniques, at laughing yoga exercises.

Sa pamumuno ni Director General, Usec. Gerald Bantag at sa pangangasiwa ni acting Superintendent-CIW, Hylene C. Pancho.

Ang CIW Education and Training Section ay patuloy na itinataguyod at itinataas ang kamalayan ng bawat PDL.

Follow SMNI NEWS in Twitter