INILAHAD ng Department of Education (DepEd) na karamihan sa mga paaralang nominado na makilahok sa face-to-face classes ay mga pampublikong paaralan.
Kaya nais sana ng kagawaran na mas maraming pribadong paaralan ang sumali sa in-person classes.
Sinabi ng DepEd na tututukan nila ngayon ang mas maraming private school na makilahok sa in-person classes.
Nasa 22,000 paaralan ang nominado para makilahok sa face-to-face classes.
Pero ayon sa DepEd, karamihan sa mga nominado ay mga pampublikong paaralan.
Kaya ngayon target ng kagawaran na mas marami pang mga pribadong paaralan ang sumali sa in-person classes.
“Ang gusto nating maging focus ng ating kampanya ay ang mga private schools, dahil hindi pa sila naka-fully decide kung mag-face-to-face na sila for this coming academic year. So, mabilis naman ang responses, lalo na sa public schools na ang sinasabi ko ay mga 17,000 na, pero iyong nominated is 22,000. Palagay ko maku-cover natin ito lahat, dahil pinaghahandaan talaga natin itong face-to-face classes na matagal nang ini-expect natin na magiging bahagi sa blended learning,” pahayag ni Education Sec. Leonor Briones.
Sinisikap ng pamahalaan na palawakin ang face-to-face classes dahil nananatiling nasa ilalim ng Alert Level 1 ang karamihan sa mga lugar sa bansa.
Gayunpaman, sinabi ni Briones na gagamitin pa rin ang iba pang mga kapamaraanan ng pag-aaral katulad ng online learning at mga printing materials.
Aniya, ang mga ito ay magbibigay din sa mga mag-aaral ng karagdagang kasanayan upang matulungan silang makayanan ang mga totoong sitwasyon sa buhay.
Samantala, posible naman ayon kay Briones ang pagsasagawa ng face-to-face graduation ceremonies.
“Iyong standards na ini-impose natin, iyong expectations saka guidelines na ini-impose natin for face-to-face, ganoon din sa graduation. At saka mahalaga iyong pag-limit ng size ng participating audiences at saka magiging mas maingat tayo dahil mas maraming tao siguro at nakahanda na iyong mga guidelines,” ani Briones.
BASAHIN: Opisyal ng DepEd, pumalag sa paggamit ng kanta nila sa political video ng mga Pinklawan