Mga public prosecutor, pinaalalahanan ng DOJ na dapat nakakasunod sa ethical standards

Mga public prosecutor, pinaalalahanan ng DOJ na dapat nakakasunod sa ethical standards

PINAALALAHANAN ng Department of Justice (DOJ) ang mga prosecutor na manatiling sumusunod sa ethical standards at professional conduct sa pagtupad sa tungkulin.

Kasabay ito sa inilabas na Department Circular No. 005 Series of 2024 na nagpatibay sa guidelines kaugnay sa inhibition ng mga prosecutor para matiyak ang o impartiality o walang dapat na pinapanigan sa hawak nilang mga kaso.

Nilinaw naman ng DOJ na ang inhibition o pagbitiw sa hawak nilang kaso ay mandatory o voluntary.

Ang mga public prosecutor aniya ay obligadong mag-inhibit o hindi maibahagi sa anumang proceeding kung may conflict of interest o inaasahang magkakaroon ng bias o hindi patas sa pagdedesisyon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble