Mga residente ng Luzon, hinimok magplano sa pagbiyahe ngayong Undas dahil sa banta ng Super Typhoon Leon—OCD

Mga residente ng Luzon, hinimok magplano sa pagbiyahe ngayong Undas dahil sa banta ng Super Typhoon Leon—OCD

HINIMOK ng Office of Civil Defense (OCD) ang publiko lalo na ang mga residente ng Luzon ang ibayong pagplano ngayong Undas.

Partikular na rito ang pagbiyahe patungo sa mga karatig probinsiya para bisitahin ang mga puntod ng kani-kanilang mahal sa buhay.

Ito’y dahil sa inaasahang magiging maulan ang Nobyembre 1 hanggang 2 bunsod na rin ng epekto ng Super Bagyong Leon batay sa pagtaya ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon kay NDRRMC Spokesperson, Dir. Edgar Posadas, na kahit nakasentro ang pagtutok sa Hilagang Luzon, maaari pa ring makaranas ng epekto ng Super Bagyo ang ibang bahagi ng bansa.

Kabilang na rito ang Western Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, at ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Nananatiling nakataas ang Red Alert status sa maraming rehiyon sa bansa bilang paghahanda sa epektong dulot ng binabantayang Super Typhoon Leon.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble