Mga sakit sa puso, pangunahing dahilan ng pagkasawi ng mga Pilipino noong 2023—PSA

Mga sakit sa puso, pangunahing dahilan ng pagkasawi ng mga Pilipino noong 2023—PSA

NANGUNGUNA pa ring sanhi ng pagkasawi sa Pilipinas noong 2023 ang mga sakit sa puso ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sinabi ng PSA na ang ischemic heart diseases ay nagdulot ng 91,936 na kaso o 19.0% na mga kamatayan sa bansa mula Enero hanggang Oktubre ng 2023.

Sinundan ito ng neoplasm o sakit na cancer na nakapagdulot ng 51,515 na kaso o 10.6% sa kabuuang bilang ng mga nasawing Pinoy.

Nasa ikatlong puwesto naman ang cerebrovascular diseases na may 49,002 na kaso.

Ang sakit na diabetes mellitus ay pang-apat na dahilan ng pagkasawi ng mga Pilipino na sinundan ng pneumonia.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble