Umano’y ipinamigay ni FPRRD ang Ayungin Shoal, “exaggeration lang”—Sen. Imee

Umano’y ipinamigay ni FPRRD ang Ayungin Shoal, “exaggeration lang”—Sen. Imee

TINAWAG ni Sen. Imee Marcos na exaggeration o pagmamalabis lang ang komento ni retired Supreme Court Justice Antonio Carpio hinggil sa umano’y pagtalikod ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ownership rights ng Pilipinas sa Ayungin Shoal.

Ayon kay Sen. Imee, ang pakikipagkasundo ng dating Pangulo sa China ay para matiyak lang ang maayos na resupply mission papuntang BRP Sierra Madre na nagsisilbing outpost ng bansa sa Ayungin Shoal at walang nangyayaring pagtalikod sa ownership ang bansa dito.

Dagdag pa ng senadora, naging magulo lang ang resupply missions simula nang pumalit bilang pangulo ng Pilipinas ang kaniyang kapatid na si Bongbong Marcos Jr.

Hindi na aniya nagtitiwala ang China dito dahil biglaan lang na mas pabor si PBBM sa Estados Unidos.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter