PUMALO na sa higit 44,000 na mga sasakyan ang nasangkot sa aksidente sa Metro Manila simula Enero hanggang Hulyo ng 2023.
Batay sa Road Crash Statistics ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nasa kabuuang 44,493 na mga sasakyan na ang naaksidente.
Sa nasabing bilang, 32,800 ang nagresulta sa damage to property.
168 naman ang naging fatal habang 11,525 ang non-fatal injury.