Mga sundalo, inatake ng CTG sa kasagsagan ng relief operations sa Bicol

Mga sundalo, inatake ng CTG sa kasagsagan ng relief operations sa Bicol

SA kasagsagan ng relief operations sa matinding pinsala na dulot ng Bagyong Kristine sa Bicol Region, inatake ng communist terrorist group (CTG) na New People’s Army (NPA) ang mga sundalo.

Nangyari ang engkuwentro ng mga miyembro ng NPA at ng 49th Infantry Battalion sa Brgy. Matanglad, Pio Duran, Albay noong Linggo, Oct. 27 ng alas-sais ng umaga.

Isang sundalo ang nagtamo ng sugat sa kaliwang paa nito dahil sa anti-personnel mine (APM) ng rebeldeng grupo.

Ang APM ay ipinagbabawal sa ilalim ng international humanitarian law.

Kinondena naman ng 9th Infantry Division ang naturang pang-aatake ng NPA dahil sa kawalan ng konsiderasyon sa panahon ng krisis kung saan kinakailangan ng mga apektadong komunidad ng tulong.

Nanawagan din ang militar sa publiko na agad na ireport ang anumang impormasyon kaugnay sa rebeldeng grupo para mapaigting pa ang pagbibigay seguridad sa mga komunidad.

Tiniyak din ng militar na sa kabila ng insidente, patuloy ang kanilang pagbibigay ng suporta at serbisyo sa mga apektadong lugar na matinding sinalanta ng bagyo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble