INAMIN ni Sen. Bong Go na 1999 pa nang unang nagkakilala sila Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Chinese businessman Michael Yang.
Subalit binigyang-diin ni Senator Go na porke’t magkaibigan ang dalawa ay papayagan na ng Pangulo na gumawa ng kalokohan si Yang.
Aniya, noong pumunta si Yang sa Davao City, ay pinaalalahan ito ng Pangulo na huwag pumasok sa kalakalan ng droga dahil mismong sa lungsod umano ipapalibing ni Pangulong Duterte ang chinese businessman kung mahuhuli ito.
Kung matatandaan, si Michael Yang ay nai-link sa Pharmally Pharmaceutical, isang maliit na korporasyon na umano’y nagbebenta ng overpriced na face masks, testing kits at PPEs sa pamahalaan.